Revelation
(Attached herewith is a video clip which happens to be an excerpt from the movie 'Boy Erased')
Aking Ahram Emmanuel,
June 18, 2020. Isa marahil sa mga araw na hindi mo makalilimutan; sapagka't dito ka nagsimulang nabuhay.
Nabuhay sa paraang nakahinga ka nang maluwag.
Maluwag, kasinluwag ng pagkakalas ng kadenang nakapulupot sa leeg mo.
Wala na ang tinik, aking mahal.
Ako ang pagpapanatili. Mananatili.
At kung hindi man dumating ang June 18, 2020, isang pagtitiyak ang pag-agapay ko.
Higit ka pa sa pagkatao mo, Ahram. Ipinagdiriwang kita araw-araw, mahal ko!
"You are a revelation."

Comments
Post a Comment